some men are jerks

magkasama kme ni ycoy na sumakay ng jeep sa highway na papuntang kalaw. tapos dahil sa quezon ave ang daan eh malamang alam nyo na kung anong meron don. sa mga di nakakaalam, marami pong call girls don. and so, nag-uusap kme sa jeep tungkol sa bayad nang biglang mejo hininto ng drayber ang kanyang jeep sa 2 call girl na nag-aabang lamang sa isang sidewalk at bigla siyang sumigaw na ” panis na kayo!”. dahil narinig ko ito, na-offend ako dahi parang napaka BASTOS nman ata na tawaging ganon sila. Sa ating lipunan marahil sila ay mga “deviant” ngunit hindi nman ata tamang gawin nila yon. Dahil sa pagkainis bumaba kme ni ycoy bago pa makarating sa aming paroroonan ( at hindi pa kame nakakapagbyad dahil malapit palang naman eh). Lumipat kami ng jeep, at doon nagbayad na kme. sinundan kame ng HINDOT na BASTOS na drayber na iyon at sinabihan ang drayber ng jeep na sinasakyan namin na hindi nagbayad ang dalawang iyan. PARA SYANG TANGA, ano nman pakelam ng drayber non eh nagbayad na kme.. Tapos umaripas ng takbo at nagmura na “tangina nyo!” aba, mamang drayber mas TANGINA KA dahil d ka marunong gumalang sa babae. BASTOS yang bunganga mo. Hindi porket call girl sila ay may karapatan kayong yurakin ang pagkatao nila. Nakasadlak na nga sila sa lusak tapos ilulublob mo pa! Some men are really jerks.

ewan talaga.

Enrollment n nman ng 2nd sem, wow. Hay salamat, tapos na ako. Forever tlagang nakakapagod pag enrollment sa UP. hay nako, University of Pila talaga. Well anyway, I missed my orgmates. I have to condition my mind, it’s a new beginning. First semester na single ako. Syempre d counted yung last sem, I started na meron akong ka-relasyon. wehehe. I could say na I am very happy today. Wala lang. Ewan ko. Basta, hindi na ako umiiyak. Tapos na iyon. Well maybe because kc friends na kme ng ex ko. I think friends kme. Saken friend ko siya. Ewan k sa kanya. hehe. Well, I know she found a little kindness in her heart. I text her almost everyday just to let her know that I still care even though she is not mine anymore. I just want her to be my friend that’s all. I would have to admit that every night I still think of her. Pero I’m not sad. Abnormal ba ako? Kc hindi ako nangungulila sa intimacy eh. Parang I just miss her as a friend. Do i still love her? hmm, tough question. Maybe yes, o sige na nga OO. Pero hanggang dun nalang yon. Sa isip ko na lang yon kung baga. I am not hurt because she’s not here by my side anymore. ewan. abnormal talaga. o baka normal na yon? Ewan. I really couldn’t describe kung anong klase itong nararamdaman ko towards her eh. Parang napaka-philosophical ng dating na hindi siya mai-operationalize ( hehe, sociong-socio.. ) Ah basta masaya ako dahil nag-uusap na kme kahit papaano. I hope she’s happy also. Sana naman hindi nakikipagplastikan. konsensiya na niya yon kung nakikipagplastikan siya saken. basta ako, i am true to myself.