May dugo ang artikulong ito.

Ang tatalakayin ko rito ay ang tungkol sa pagiging lesbyana ko. OO, lesbyana ako. Malamang na ikaw na nagbabasa nitong blog ko ay kaibigan ko o kakilala ko man lang. Alam mo kung ano ako. Out kasi ako sa mga tao sa UP, mga kaibigan ko sa st. scho. Pero sa pamilya ko, lalong lalo na ang nanay ko, hinde. Iisang kamag-anak ko lang ang nakakaalam ng tunay na ako, pinsan ko iyon na liberated mag-isip. Kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan sa pamilyang ito.
Sa tingin ko medyo nag-out na ako sa pamilya ko noong bumisita ang ilang mga lesbyanang miyembro ng Babaylan. Hindi ko naman sila mapipigilang pumunta. Nakiramay sila. Yun nga lang, ang mga malisyosong mga tingin ang sumalubong sa kanila. Itinanong pa sa akin ng isang babaeng pinsan ko, “Wala ka bang kaibigang lalake?” sumagot ako ng pabiro, “Oo, meron pero mga bading sila.”
Nang nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap ng nanay ko dito sa bahay habang patuloy parin ang burol, biglang sinabi sa akin ng nanay ko na parang mahiya naman daw ako dahil ang mga kasama ko ay mga tomboy. Sabi niya pa, ” alam mo ba anong tingin sa iyo ng mga kamag-anak natin? Na namatay lang ang tatay mo nagkaganyan ka na… Iniisip nila na puro ginagamit ka ng mga tomboy na iyon”. Sobra akong nagulat sa sinabi niyang yan.. Ang tingin nila sex slave ako ng mga lesbyana kong mga kaibigan? Ano ba namang klaseng pag-iisip yan. Ang sabi ko lang, wala silang pakialam. Sasamahan ko ang mga taong gusto kong makasama. Wala akong pakialam sa sasabihin nila.
Hindi kami nagkita ng nanay ko ng halos isang buwan dahil nanatili siya sa probinsya upang asikasuhin ang mga naiwan ng lola ko. Nang bumalik sya rito, nagkaroon kami ng mejo heart to heart talk. Nag-usap kami ng future. nagsimula kami sa paksa ng pagkakaroon ng karelasyon. Pinayuhan niya ako na kung sino man ang magiging boyfriend ko ay siguraduhin ko lang daw na mahal ako. ang sabi ko naman, “ma, bisexual ako. Meaning, equal opportunities sa both sexes. Babae man o lalake pantay sa akin.” Pero deep inside, mas lamang talaga ang babae. Mas gs2 ko kasi ng babae na makarelasyon kaysa sa lalake. Siguro hanggang crush lng sila pero hindi ko yata maisip na maging boyfriend sila. HIdni ko alam kung naintindihan ng nanay ko yon pero sumagot siya na, ” O sige, kung ano man ang maging karelasyon mo, siguraduhin mo lang na mahal ka at hindi ka sasaktan na physically.” Sa pagkakasabi niyang iyon, parang natanggalan ako ng tinik sa dibdib dahil naintindihan niya pala ako. Sinabi niya pa na “kung saan ka masaya sige, doon ka. basta’t alam mo ang mga consequences ng gagawin mo.” At that moment akala ko malawak ang isip ng nanay ko. Nabago na naman.
Kani-kanina lang. Pagkatapos kumain ay nagbanggit lng ako ng isang salitang bakla. “Tegi”, meaning patay. Bigla na niyang sinabi, ” Alam mo, mula ng pumasok ka sa UP naging magaspang na ang ugali mo. Gumagamit ka ng mga salitang bakla na iyan ang pangit pakinggan. Dahil yan sa kakasama mo sa barkada mo.” Eto na naman ang barkada issue. Dati pa ako tinitira ng ganyan. Matagal na kaming hindi nagkakaintindihan sa ganyan. Feeling ko it’s been years na pinagtatanggol ko ang mga kabarkada ko sa nanay ko. Tapos naitanong niya, “hindi mo ba alam na kung sino ang mga kasama mo ay ganon ka din?” Ewan ko kung itinutukoy niya ang pagsasama ko kay Cathy. tapos biglang sinabi niya na pati ang mga kasama ko daw ay mga “abnormal”. Doon talaga ako nainis. Nagpanggap nalang ako na walang narinig. Sinabi niya pa na “para kang walang Diyos”. Naisip ko na dahil sa nagiging active na naman siya sa pag-attend sa kanyang Church ay naimpluwensyahan na naman ng makitid na pag-iisip. Kahit na anong pilit niya ay hindi na ako pupunta pa doon. Pagkaalis niya ay umakyat na ako sa kwarto at sinimulang gawin ito.
Ang gulo diba? Wala talaga akong pakialam sa sasabihi ng mga kamag-anak ko sa akin. Ang importante lng ang sasabihin ng nanay ko. Hindi ko naman masisisi si mama na magkaroon ng ganoong klaseng isip. Marahil ito ay sa kadahilanang hindi naman siya mulat sa usapin ng sexualidad. Gusto kong imulat ang isipan niya.
Ngayong dumating ako sa ganitong edad at pagkakaroon ng bagong relasyon, gs2 ko na mag-out. Noon kami pa ni det, halos 8 taon naming itinago ang relasyon namin at hanggang ngayon hindi parin ako out sa nanay ko. Wala parin siyang kaalam-alam na kami ni det ay hindi lang basta magkaibigan noon, kundi magkarelasyon kami non. Now that I am with CAthy, gusto ko na mag-out. Sawa na akong magtago. pero mahirap gawin iyon. Plano kong mag-out pagkagraduate ko at pag nagkatrabaho na ako. Sa tingin ko mas may karapatan akong mag-out non dahil expected na independent na ako. Sana nga. HIndi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya.
I know nahihirapan din si CAthy dahil hindi ako out. Syempre, hindi siya pwede matulog dito ng sobrang dalas, hindi kami pwede maglambingan sa harap ng nanay ko, hindi rin pwede na matulog ako sa kanila. In short, hindi kami malaya. May mga constraints na hindi maiiwasan.
Hindi ko naman gusto na mag-out dahil lang sa ganong kababawang bagay na hindi kami makapaglampungan diba at dahil lang kay cathy. Para ito sa sarili ko.
Naiinis ako. Sa totoo lang. Naiinis ako sa mapagkutyang lipunan. Naiinis ako sa mga taong isinasakdal kaagad ang mga bakla at lesbiyana.
Kung ikaw ay isa sa mga taon
g iyon, mabuti pang wag mo na akong kaibiganin.