some men are jerks

magkasama kme ni ycoy na sumakay ng jeep sa highway na papuntang kalaw. tapos dahil sa quezon ave ang daan eh malamang alam nyo na kung anong meron don. sa mga di nakakaalam, marami pong call girls don. and so, nag-uusap kme sa jeep tungkol sa bayad nang biglang mejo hininto ng drayber ang kanyang jeep sa 2 call girl na nag-aabang lamang sa isang sidewalk at bigla siyang sumigaw na ” panis na kayo!”. dahil narinig ko ito, na-offend ako dahi parang napaka BASTOS nman ata na tawaging ganon sila. Sa ating lipunan marahil sila ay mga “deviant” ngunit hindi nman ata tamang gawin nila yon. Dahil sa pagkainis bumaba kme ni ycoy bago pa makarating sa aming paroroonan ( at hindi pa kame nakakapagbyad dahil malapit palang naman eh). Lumipat kami ng jeep, at doon nagbayad na kme. sinundan kame ng HINDOT na BASTOS na drayber na iyon at sinabihan ang drayber ng jeep na sinasakyan namin na hindi nagbayad ang dalawang iyan. PARA SYANG TANGA, ano nman pakelam ng drayber non eh nagbayad na kme.. Tapos umaripas ng takbo at nagmura na “tangina nyo!” aba, mamang drayber mas TANGINA KA dahil d ka marunong gumalang sa babae. BASTOS yang bunganga mo. Hindi porket call girl sila ay may karapatan kayong yurakin ang pagkatao nila. Nakasadlak na nga sila sa lusak tapos ilulublob mo pa! Some men are really jerks.

Leave a Reply